^

PSN Palaro

Gilas Pilipinas II haharap sa PBA Selection, Kazakhstan

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanggaling sa kanilang training trip sa New Zealand, dalawang koponan pa ang lalabanan ng Gilas Pilipinas II bago sumabak sa 27th FIBA-Asia Men’s Championships sa Agosto 1-11 na idaraos sa MOA Are­na sa Pasay City at sa Ni­noy Aquino Stadium sa Ma­nila.

Makakasagupa ng Gilas II ang PBA Selection sa Hulyo 24 sa Mall of Asia Arena bago harapin ang bisitang Kazakhstan sa Hulyo 26 sa Smart Araneta Coliseum.

Ang naturang dalawang laro ng Nationals ay isa­saere sa TV5 sa ganap na alas-8:30 ng gabi.

Ang Gilas II ay binubuo nina Jason Castro, Jimmy Alapag, Larry Fonacier, Ranidel De Ocampo, Jeff Chan, Gabe Norwood, Marc Pingris, Gary David, Japeth Aguilar, LA Tenorio, June Mar Fajardo at 6-foot-11 naturalized center Marcus Douthit.

Tanging si Beau Belga ang natanggal sa Final 12 ni head coach Chot Reyes.

Ang line-up ng Natio­nals ay isinumite na ng Sa­mahang Basketbol ng Pi­lipinas sa FIBA.

Tatlong koponan lamang ang makakakuha ng tiket para sa 2014 FIBA World na gagawin sa Spain.

Kasama ng Gilas II sa Group A ang Jordan, Chinese-Taipei at Saudi Ara­bia.

Awtomatiko namang pa­pasok sa second round ang mga koponan sa Group B matapos pata­wan ng FIBA ang Lebanon ng isang four-year suspension da­hil sa kabiguang resolbahan ang kaguluhan sa hanay ng mga club teams.

Ang mga ito ay ang Japan, Qatar at Hong Kong.

Ang Japan  ay No. 35 sa FIBA kasunod ang Qatar (No. 36).

Ang Hong Kong ay No. 71 sa listahan.

Ang Qatar at Japan ay mga datihan nang qualifiers para sa FIBA-Asia, samantalang huling nakalaro sa torneo ang Hong Kong noong 2007 edition sa Tokushima, Japan.

Ang PBA Selection ay ba­banderahan nina Chris Tiu, Arwind Santos at rookie sensation Calvin Abueva sa ilalim ng paggiya ni Air21 head coach Franz Pu­maren.

Ang iba pang nasa koponan ni Pumaren ay sina Cyrus Baguio, Mark Barroca, Alex Cabagnot, Niño ‘KG’ Cañaleta, JVee Casio, Joe Devance, Chris Ellis, Paul Lee, PJ Simon at Jay Washington.

Kabilang naman ang Ka­zakhs­tan sa Group D ka­sama ang India, Bahrain at Thailand.

ALEX CABAGNOT

ANG GILAS

ANG HONG KONG

ANG JAPAN

ANG QATAR

AQUINO STADIUM

ARWIND SANTOS

HONG KONG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with