Eleksyon muna bago pondo--PSC
MANILA, Philippines - Malalagay uli sa alaÂngaÂnin ang tulong ng PSC sa volleyball kung hindi agad isasagawa ang eleksyon sa Philippine Volleyball Federation (PVF).
Ayon kay PSC chairman Ricardo Garcia, paÂtuloy na nakabinbin ang pondong dapat itulong sa volleyball dahil hindi pa rin naidaraos ang eleksyon na dapat umano ay nangyari noon pang Enero.
“Ang PVF ay dapat nag-eleksyon na pero hindi pa ito nangyari at hanggang ngayon ay wala pa rin silang paalam kung kaÂilan ito gagawin. May binuo na sila na interim sets of officials pero hindi ito alinsunod sa kanilang Constitution at By Laws dahil walang probisyon nito. Kaya sana ay maayos nila agad ito,†wika ni Garcia.
Nagkaroon ng probleÂma sa liderato sa PVF ng magbitiw ang lahat ng opisÂyales nito sa pamumuno ng dating pangulo na si Gener Dungo.
Ang dating VP na si Karl Chan ang inilagay bilang interim president habang tinapik niya sina Philip Ella Juico bilang chairman, Rustico Camangian bilang secretary-general, CagaÂyan de Oro Mayor Criselda Antonio bilang finance director, Ian Laurel bilang National teams in-charge, Ramon Suzara bilang InterÂnational Affairs in-charge, Yul BeÂnosa bilang Rules of Games Commission at Nestor Bello bilang ReÂferee’s Director.
Si dating PAVA president Roger Banzuela ay inilagay na mamamahala sa Visayas at Mindanao, si Gary Jamili bilang Technical Director at Shakey’s V-League president Ricky Palou bilang Marketing Director.
Ang opisyales na ito ay ipinakilala kay Shanrit Wongprasert, EVP ng Asian Volleyball ConfeÂderation at sang-ayon ang opisyal dahil kumakatawan ito sa lahat ng sektor na dapat na magtulung-tulong para muling sumigla ang volleyball sa bansa.
Ang interim officials ay maninilbihan hanggang sa katapusan ng taon dahil sa Enero 1 nila balak isagawa ang halalan matapos maayos na ang kanilang bagong Constitution at By-Laws.
- Latest