Philippine Super Liga Rising Suns, Lady Troopers pupuwesto na sa Final Four
Laro Ngayon
(Philsports Arena,
Pasig City)
2 p.m. PLDT-MyDSL
vs Cignal
4 p.m. TMS-Philippine Army vs PCSO-Bingo Milyonaryo
6 p.m. Petron
vs Cagayan Valley
MANILA, Philippines - Iiwas ang Cagayan ValÂley at TMS-Army sa anuÂmang kumplikasyon sa pagnanasa na umabante na sa semifinals sa Philippine Super Liga Invitational sa pagtatapos ng eliminasyon ngayon sa Philsports Arena sa Pasig City.
Sisikaping bumangon ng Lady Rising Suns mula sa pagkadapa sa huling laban sa pagbangga sa Petron sa ikatlo at huling laro dakong alas-6 ng gabi.
Ang Lady Troopers ay makikipagsukatan sa PCSO-Bingo Milyonaryo sa ikalawang laro na magsisimula matapos ang unang tagisan sa hanay ng PLDT-MyDSL at Cignal sa ganap na alas-2 ng hapon.
Magkasalo sa unang puwesto ang Cagayan Valley at TMS-Army sa 3-1 karÂta at kung manalo sa kaÂnilang mga asignatura ay diretso ng papasok sa Final Four.
Ngunit kung masilat sila, hihigpit ang tagisan na ibiÂnibigay na insentibo sa dalawang mamumunong koponan dahil puwedeng maging tatlo o apat na koponan ang mag-aagawan sa puwesto.
Sa format ng liga, ang dalawang mangungunang koponan ay maghihintay na sa semifinals habang cross-over ang magaganap sa maiiwang apat para madetermina ang dalawa pang aabante sa Final Four.
Dumanas ng 18-25, 21-25, 22-25, straight sets na pagkatalo ang Cagayan Valley sa kamay ng Cignal para matapos ang tatlong dikit na panalo.
Ang liga ay suportado ng Solar Sports, Asics at Mikasa ay may ayuda pa ng PSC, San Juan Arena, Healthway Medical, LGR outfitter, Lenovo, Vibram Five Fingers at Pagcor.
- Latest