Pasok pa rin sa semis kontra Chinese Taipei: Phl habagat silat sa Japan
MANILA, Philippines - Bigo ang Philippine HaÂÂbagat na silatin ang JaÂpan sa nalasap na 2-4 pagkatalo sa pagtatapos ng PONY League Asia-Pacific Regional Qualifiers elimination kahapon sa Rizal Memorial Baseball Stadium.
Bumigay ang depensa ng Nationals sa ikalawa hanggang ikaapat na innings nang makagawa sila ng limang errors para masayang ang magandang pagpukol ni Marvin Trillana.
Si Trillana na siya ring unang manlalaro sa anim na bansang kompetisyon na naka-homerun sa 26-1 panalo sa Far East Russia noong Linggo, ay nagbigay lamang ng tatlong hits sa pitong innings na pagpukol.
Nakauna rin ang HaÂbagat sa pagpuntos nang ibigay ni leadoff batter Lorenzo Montemayor ang unang run sa sacrifice hit ni Basil Taylo ngunit nakabangon ang Japan dahil sa mga di napigilang errors.
“Ang mga errors natin, hawak natin ang bola. Sa stats makikita mo kung sino ang maganda ang iniÂlaro at ang Japan, lahat ng kanilang iskor galing sa errors o unearned habang ang dalawang runs natin ay mga earned runs. Pero mga 11-12 years old ang mga players natin kaya’t part of learning process ito,†wika ni coach Mike Ochosa.
Isang fielding error ni Naoki Akita ang nagpatabla sa Japan nang pumasok si Rei Yamaguchi sa top of the second bago ibinigay ni Taisuke Shimura ang kalamangan sa third inning sa error ni third baseman Jose Limpo sa simpleng bato ni Trillana.
Naging 3-1 ang kalamangan sa fielder’s choice kay Issei Shimokado bago naging tatlo ang bentahe ng Japan na naihatid ni Abe Yuta sa error ni Habagat catcher Josh Santillan sa fourth inning.
Binokya ni Trillana ang Japan sa huling tatlong innings habang ang Habagat ay nakapanakot sa bottom seventh nang sa two-out situation ay nakaiskor si Ron Katignas sa single ni Trillana.
Ngunit natapos ang laÂban ng Nationals nang nahuli si Joaquin Lijouco nang tangkain na umabot sa third base para sa 1-1 karta.
Abante pa rin ang HaÂbagat sa semifinals ngaÂyong umaga pero kalaban nila ang defending world champion Chinese Taipei sa ganap na alas-10:30 ng umaga.
- Latest