^

PSN Palaro

Cainglet nagbida sa panalo ng Petron Cignal pinigil ang Cagayan valley

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binigo ng Cignal ang pun­tiryang puwesto sa Final Four ng Cagayan Valley sa pagposte ng 25-18, 25-21, 25-22, panalo sa PCSO-Bingo Milyonaryo sa Philippine Super Liga Invitational kahapon sa Philsports Arena sa  Pasig City.

Bumalik ang lakas sa net ni Venus Bernal sa ibinigay na 16 kills bukod sa 3 blocks tungo sa 21 puntos habang sina Honey Rose Tubino at Danika Gendrauli ay may 13 at 11 puntos  upang tapusin din ng HD Spikers ang dalawang magkasunod na pagkatalo.

Dominado ng Cignal ang attack department, 37-28, habang may tatlong aces pa si Gendrauli para ibigay pa ang 9-5 kalama­ngan sa serve  upang ma­kuha ang ikalawang panalo sa apat na laro sa larong tumagal ng isang oras at 18 minuto.

“Tiningnan namin ang mga huling laro na natalo kami at kailangang na maging mabilis ang atake namin. Suwerte rin kami at wala sa kondisyon ang Cagayan,” pahayag ni Cignal coach Sammy Acaylar.

Malayo sa pormang naghatid ng tatlong sunod na panalo ang Lady Rising Suns dahil wala ni isa sa kanilang manlalaro ang umiskor sa doble-pigura.

Ang naunang sinandalan na sina Joy Benito, Sandra delos Santos at Shiela Pineda ay nagsanib lamang sa 21 puntos upang malaglag sa 3-1 baraha.

Maaaring magkaroon ng two-way tie sa unang pu­westo kung manalo ang TMS-Army sa PLDT-MyDSL na naglalaro pa habang isinusulat ang balitang ito.

Samanatala, gumana na rin ang laro ni Fille Caing­let para tulungan ang Petron sa 18-25, 25-21, 25-22, 25-16, panalo sa PCSO Bingo-Milyonaryo sa  ikalawang laro.

May 15 kills at 2 aces si Cainglet tungo sa 18 puntos habang si Aiza Maizo-Pontillas ay may 16 attacks tungo sa 18 puntos pa upang iakyat sa 2-2 ang kanilang karta..

Ito ang pinakamagandang laro na naipakita ni Cainglet sa ligang may suporta ng Solar Sports, Mikasa at Asics at siya ang kumamada sa third set  para hawakan ng koponan ang mahalagang 2-1 kalamangan.

 

vuukle comment

AIZA MAIZO-PONTILLAS

BINGO MILYONARYO

CAGAYAN VALLEY

CAINGLET

CIGNAL

DANIKA GENDRAULI

FILLE CAING

FINAL FOUR

HONEY ROSE TUBINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with