^

PSN Palaro

Chinese Taipei papalo sa semis Russia ‘Di nakaporma sa PHL Sluggers

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpakilala agad ang 12-anyos na si Marvin Trillana nang kunin ang kauna-unahang homerun  sa PONY League Asia-Pacific Regional Qualifier tungo sa 26-1 tagumpay ng Philippine Habagat sa Far East Russia kahapon sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Nahuli ni Trillana, pitcher at mag-aaral ng  UST, ang gitnang pukol ni Igor Sheherbarov para sa inside-the-park homerun at katampukan ang 10 runs na ginawa ng Pambansang koponan sa second inning.

Dikit na nagsimula ang labanan sa unang inning at abante lang ng isang run ang host team, 2-1, matapos makaiskor sa bottom inning si Sheherbarov nang tumungtong sa base-on-balls ni Trillana na nasundan ng stolen base at error ng third baseman para tumapak ng third base at dumiretso sa homeplate.

“Grade two pa lamang po ako ay naglalaro na ako ng baseball at hinintay ko lang na pumasok sa strikezone ko ang bola,” wika ni Trillana na isang beses lamang na sumablay sa limang at bat at may apat na RBIs at apat na runs.

May 20 hits ang Pilipinas at kinapitalisa rin ang 14 errors ng Russia para magkaroon ng momentum papasok sa mabigat na laban kontra sa Japan para sa number one seeding sa kanilang pangkat.

“Mabigat na kalaban ang sunod natin pero ang maganda ay nanalo tayo sa unang game na build-up natin para sa Japan. Ang maganda sa larong ito ay nakita natin ang hitting ng team. Kailangang wala ta­yong laban sa Japan para manalo,” wika ni coach Mike Ochosa.

Una ng nakatiyak ng puwesto sa semifinals ang defending world champion Chinese Taipei nang talunin ang Indonesia, 20-0, at Korea, 6-2 sa double-header game.

Si Philippine Tot Baseball Federation at PONY Baseball Philippines president Rodolfo “Boy” Tingzon ang nanguna sa simpleng opening ceremony at nakasama si Philippine Amateur Baseball Association (PABA) president Hector Navasero na nagsagawa ng ceremonial pitch.

vuukle comment

BASEBALL PHILIPPINES

CHINESE TAIPEI

FAR EAST RUSSIA

HECTOR NAVASERO

IGOR SHEHERBAROV

LEAGUE ASIA-PACIFIC REGIONAL QUALIFIER

MARVIN TRILLANA

MIKE OCHOSA

TRILLANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with