^

PSN Palaro

Superwoman

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Kahit si Nonito Donaire ay nagulat sa ipinakitang tapang ng kanyang asawa na si Rachel sa isang party sa bahay ng kanilang kaibigan sa Las Vegas nung July 4.

Swimming party ang kanilang pinuntahan at 4th of July celebration at kahit na siyam na buwan sa kanyang pagbubuntis ay nagpamalas si Rachel ng labis na katapangan.

May bata kasing halos malunod na sa swimming pool at dahil siya yata ang unang nakapansin ay walang alinlangang tumalon si Rachel sa tubig.

Natulungan niyang masagip ang bata sa pagkalunod.

Ibang klase rin itong si Rachel dahil nga siyam na buwan siyang buntis.

Mother’s instinct o ang pagmamahal ng isang ina sa anak siguro ang nanaig sa loob niya kaya niya nagawang tumalon sa tubig.

Pwede siyang napaanak ng hindi oras sa ginawa niya o kaya naman ay may masamang mangyari sa kanya at sa dinadala niyang  bata.

Itinakbo si Rachel sa ospital matapos ang insidente at inilagay sa observation room.

Sa awa ng Diyos, wala namang masamang nangyari sa kanya. Ligtas din ang bata.

Nadinig ko na may isang kongresman na nag-file ng isang resolusyon upang bigyan si Rachel ng munting parangal dahil sa kanyang ginawa.

Sana nga at matuloy ito dahil hindi lahat ng tao ay gagawin ang kanyang ginawa.

Kung hindi ninyo alam, dating taekwondo champion si Rachel nung nag-aaral pa siya sa Amerika at hindi pa nawawala ang kanyang tapang.

Tinagurian siyang “Knockout Queen” sa taekwondo noon.

At hanggang ngayon.

vuukle comment

AMERIKA

DIYOS

IBANG

ITINAKBO

KAHIT

KNOCKOUT QUEEN

LAS VEGAS

LIGTAS

NONITO DONAIRE

RACHEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with