^

PSN Palaro

Phl boy’s 15-U pasok sa semis sa SEATTA tourney

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinalo ng Philippine team ang Malaysia, 3-1, para makapasok sa semifinal round ng 19th Southeast Asian Table Tennis Association Junior Championship boys’ 15-under team event kahapon sa Garden Square of Harrison Plaza Mall sa Manila.

Dahil dito, tiyak na ang Philippine boys’ 15-under squad, pinamunuan ni Pa­larong Pambansa standout Ryan Rodney Jacolo, ng bronze medal.

Tumapos ang Philippine boys’ 15-under team na may 2-1 win-loss slate sa elimination round.

Binigo ni Ryan Rodney Jacolo si Malaysian Chua Tzong Lin, 11-7, 9-11, 9-11, 11-8, 11-9, sa unang single match, habang nagtala si Jann Nayre ng 4-11, 11-7, 11-8, 7-11, 11-6 panalo laban kay Leong Chee Feng sa ikalawang singles match.

Natalo naman sina Jacolo at Nayre kina Lin at Feng sa doubles, 4-11, 4-11, 7-11.

Ngunit bumawi si Jacolo nang igupo si Feng, 11-9, 6-11, 11-8, 11-4, sa kanilang ikatlong singles game para igiya ang Philippines sa kanilang semifinal match laban sa Thailand.

Nadiskaril naman ang koponan ng boy’s 18-under, girls’ 15-under at girls’ 18-under na maagang na­sibak sa elimination ng na­turang torneo.

 

 

BINIGO

DAHIL

FENG

GARDEN SQUARE OF HARRISON PLAZA MALL

JACOLO

JANN NAYRE

LEONG CHEE FENG

MALAYSIAN CHUA TZONG LIN

RYAN RODNEY JACOLO

SOUTHEAST ASIAN TABLE TENNIS ASSOCIATION JUNIOR CHAMPIONSHIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with