^

PSN Palaro

Sabillo handa nang idepensa ang korona vs Colombian boxer

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang buwang pag­­sasanay ay sapat para sa matagumpay na pagdepensa sa WBO minimumweight title ni Merlito Sabillo.

Makakalaban ng 29-anyos na pambato ng ALA boxing stable na si Sabillo si Jorle Estrada ng Colombia sa Sabado sa Solaire Resort and Casino.

Dumating na sa Manila mula Cebu si Sabillo para  ikondisyon ang sarili sa laban na  kabahagi ng Pinoy Pride XXI: When World Collides. Handog ito ng ALA Promotions sa pakiki­pagtulungan ng ABS-CBN.

“Naghanda ako talaga para sa labang ito dahil ayaw kong mapahiya,” pahayag ni Sabillo na nagrelax kahapon sa panonood ng laro sa UAAP sa  Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Hindi pa natatalo matapos ang 22 laban, kasama ang 11 KOs, si Sabillo ay nanalo sa WBO nang isko­ran ng eight-round technical knockout si Luis dela Rosa ng Colombia noong Marso.

Ang 24-anyos na si Estrada ay mayroong 17 panalo sa 23 laban, kasama ang anim na knockouts.

Naipanalo ni Estrada ang huling apat na laban  at siya ang kinikilala bilang South American middleweight champion matapos talunin si Jose Antonio Jimenez noong 2012 sa split decision.

Makikita rin sa aksyon  si OPBF super flyweight champion Arthur Villanueva na babanggain si Arturo Badillo ng Mexico.

Wala pang talo si Villa­nueva sa 22 laban at may 12 KOs habang si Badillo ay mayroong 21-4 baraha, kasama ang 19KOs.

Makikita rin sa gabi ang pagbabalik ng ring ni AJ Banal laban kay Abraham Gomez ng Mexico.

ABRAHAM GOMEZ

ARTHUR VILLANUEVA

ARTURO BADILLO

JORLE ESTRADA

JOSE ANTONIO JIMENEZ

MAKIKITA

MALL OF ASIA ARENA

MERLITO SABILLO

SABILLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with