Pinoy boxers nalagas na
AMMAN, Jordan--Bigo ang Pambansang boksiÂngero na matularan ang naabot ng ipinadalang koponan dalawang taon ang nakalipas nang masiÂbak na ang dalawang nalaÂlabing panlaban sa Asian Elite Men’s Boxing ChamÂpionships sa quarterfinals noong Biyernes sa Amman, Jordan.
Hindi umubra ang 2010 Asian Games gold medaÂlist na si Rey Saludar sa husay ni Tanes Ongjunta ng Thailand nang lasapin ang 28-29 iskor sa tatlong hurado para mamaalam na sa flyÂweight division.
Si Saludar ang siyang nagbigay ng karangalan sa bansa noong 2011 edisyon ng kompetisyon sa Korea matapos manalo ng bronze medal.
Sumunod na napatalsik ang baguhang si Rogen Ladon nang kunin ang majority decision na pagkatalokay Temartas Zhussupov ng Kazakhstan.
Dinomina ni Ladon ang unang round pero bumigay sa mga susunod na rounds para makuha ni Zhussupov ang 29-28 at 30-27 panalo sa dalawang hurado matapos ang isa ay naggawad ng tablang 28-28 iskor.
Ang iba pang inilaban na maagang nasibak ay sina Mario Fernandez (bantamweight), Junel Cantancio (lightweight) at Joel Bacho (light welterweight).
“Minalas tayo na naÂkaÂtaÂpat agad ang mga maÂlalakas sa timbang na niÂlaruan ng ating mga boksingero. Hindi man tayo pinalad, ang karanasan at mga leksyon na natutuÂnan ng ating manlalaro ay magagamit nila sa mga suÂsunod pang torneo na kanilang lalahukan,†wika ni ABAP executive director at head delegation Ed Picson.
Sina Pat Gaspi, Ronald Chavez at Roel Velasco ang tumayong mga coaÂches ng koponan na bigong sundan ang naitalang isang ginto at dalawang pilak na naitala sa China Open.
- Latest
















