Hiniya ang Indonesia: Phl kumakaway sa World Series
CLARK FREEPORT ZONE--Namayani ang mga Philippine teams sa Indonesia teams para lumapit sa puwesto sa World Series sa pagpapatuloy kahapon ng 2013 Asia-Pacific and Middle East tournament sa Clark Parade Grounds sa Clark Freeport Zone.
Namuno ang World Big League champion Manila South sa 18-0 regulation panalo at kailangan na laÂÂmang na manalo pa sa Guam ngayong umaga para walisin ang double-round robin sa hanay ng bansa upang umabante sa World Series.
May 11 runs mula sa 10-hits ang kinubra agad ng Manila South sa unang inning pa lamang para aliÂsan ng anumang kumpiyansa ang Indonesian softbelles.
Humirit ang Sta. Cruz, Laguna ng 10-0 panalo sa Seniors habang ang Iloilo Province ay mayroong 22-0 pagdurog sa Juniors na lahat ay laban sa Indons teams.
Sumama rin ang ILLAM sa posibleng pumasok sa World Series sa kinuhang 6-1 panorpresang panalo sa New Zealand sa semifinals ng Senior League Baseball.
Kalaban sa championship ng ILLAM ang CNMI Saipan na kinuha ang 3-0 panalo sa Hong Kong sa isa pang semis match.
Nauna ng nakapasok sa World Series ang Iloilo Province nang dominahin ang Little League Softball.
Kumana ng mga homeÂruns sina Boo Barandian, Dan Laurel at Miguel Habana para sa ILLAM na mayroon ding 10 hits sa Kiwis.
Naisagawa ang hosting na ito sa tulong ng Clark Development Corp., Philippine Sports Commission at KFC.
- Latest