Korver, Atlanta nagkasundo na
ATLANTA -- Nagkasundo na ang Atlanta Hawks at si guard-forward Kyle Korver para sa isang multiyear deal.
Maliban sa Atlanta, nakaakit din ng interes si Korver, nagÂÂlista ng average na 10.9 points per game at ikalawa sa NBA sa pagkonekta ng 3-point shots, mula sa Brooklyn, Milwaukee at San Antonio.
Ang kontrata ni Korver ay hindi makaapekto sa paghahabol ng Atlanta kay free-agent center Dwight Howard para sa isang maximum contract.
Sa Cleveland, nakuha ng Cavaliers ang isa sa front-line free agents ng Lakers.
Naplantsa ang pakikipagkasundo ng Cleveland kay forward Earl Clark, nakasama ni Dwight Howard sa Los Angeles Lakers noong nakaraang season, para sa isang two-year contract. Tatanggap si Clark ng konratang nagkakahalaga ng $9 milyon, habang ang kanyang ikalawang season ay isang team option.
- Latest