^

PSN Palaro

Gold Coach status iginawad ng USBC kay Paeng

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ginawaran si Paeng Nepomuceno ng Gold level coaching validation ng USBC Coaching Certification and Development sa Arlington, Texas.

Ang 56-anyos na si Nepomuceno na International Ambassador  ng Bowling ng USBC ay nakapagturo na sa iba’t-ibang panig ng mundo sa Bronze at Silver seminars bago itinaas ang kanyang ranggo.

“Knowledge is a never-ending thing,” wika ni Nepomuceno. “It will make me work harder so I can develop more coaches, and the coaches I train will develop more bowlers. Hopefully, it will get my sport in the Olympics some day when we develop more coaches and more bowling athletes. That’s my ultimate goal, to  help others.”

Bago naging coach, si Nepomuceno ay kilalang bowler sa buong  mundo dahil siya lamang ang bukod-tanging bowler na nanalo ng apat na Bow­ling World Cup titles (1976, 1980, 1992 at 1996)  at siyang pinakabata (edad 19) na nanalo ng World Cup.

Nagkampeon din siya sa World’s Invitational Tournament noong 1984 at sa World Tenpin Masters noong 1999 at noong Setyembre, 2003, sa prestihiyosong Bowlers Journal International, ang kaliweteng, 6’2 na si Nepomuceno ang kinilala bilang ‘Greatest International Bowler of All Time’.

Ang USBC Gold ang pina­kamataas na sertipikasyon sa mga coaches at si Paeng ang isa sa 25 na aktibong coaches na may ganitong titulo pero kauna-unahan sa Asia.

 

BOWLERS JOURNAL INTERNATIONAL

COACHING CERTIFICATION AND DEVELOPMENT

GREATEST INTERNATIONAL BOWLER OF ALL TIME

INTERNATIONAL AMBASSADOR

INVITATIONAL TOURNAMENT

NEPOMUCENO

PAENG NEPOMUCENO

WORLD CUP

WORLD TENPIN MASTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
15 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with