^

PSN Palaro

Ginobili sa Spurs pa rin

Pilipino Star Ngayon

SAN ANTONIO--Mana­­natili si Manu Ginobili para alamin kung makakabalik pa sa itaas ang San Antonio Spurs.

Sinabi ni Ginobili sa kanyang Twitter account na patuloy siyang magla­laro sa Spurs na kanyang tinulungang makakuha ng tatlong NBA titles.

“Thrilled to announce that as I always hoped, I’m gonna stay with the (at) Spurs for two more years,” wika ni Ginobili.

Nakipaglaban ang 36-anyos na si Ginobil sa mga injuries sa nakaraang season at sinabing pag-iisipan ang pagreretiro matapos ang playoffs.

Ngunit tinulungan niya ang Spurs na makabalik sa huling 28 segundo sa Game 7 bago natalo sa nag­kampeong Miami Heat.

Ang kanyang pananatili ang muling bubuo sa ‘Big Three’ ng Spurs kasama sina Tim Duncan at Tony Parker para sa susunod na season.

 

BIG THREE

GINOBIL

GINOBILI

MANU GINOBILI

MIAMI HEAT

NAKIPAGLABAN

SAN ANTONIO SPURS

TIM DUNCAN

TONY PARKER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with