Nanguna sa 100-day countdown para sa NBA Global games Philippines Perkins bilib sa laro ni James
MANILA, Philippines - Kung sa kapanahunan ni Sam Perkins naglalaro si Lebron James, hindi ito magiging kasing-epektibo gaya ng ipinakikita sa kapanahunang ito.
Dumating sa bansa ang NBA Legend na si 6’9 Perkins noong Lunes ng gabi at kahapon ay humarap sa mga mamamahayag para pasimulan ang 100-day countdown para sa NBA Global Games Philippines.
Isa sa tinanong sa kanya sa press conference sa Mall of Asia Arena sa Pasay City ay kung ano ang nakikita niya kay James na sa ikalawang sunod na taon ay ginabayan niya ang Miami Heat sa NBA Finals.
Hanga siya kay James dahil nagawa niyang pagÂhusayin ang kanyang kaÂalaman sa laro gayong hindi siya ganoong kahusay noong pumasok sa NBA 2003 sa Cleveland Cavaliers.
“At one point, he just went on sheer talent and it took him a while to lean the game. He finally arrived in the same way like Michael Jordan where he had to learn what he can and he can’t do,†wika ni Perkins.
Pero naniniwala ang 52-anyos na NBA veteran na naglaro ng 18 seasons sa apat na koponan na mapapahirapan si James kung kasabayan niya ito na naglalaro.
Tinuran niya ang pagiÂging pisikal ng mga teams sa NBA noon kumpara ngayon na nagbibigay proteksyon sa mga manlalaro patungkol sa pagbibigay ng hard fouls.
Binalikan niya ang Detriot Piston na back-to-back champions noong 1989-1990 dahil sa pagiging piÂsikal.
“Back then, you can hit players and knock them down without getting hit with so much money. Now, if you touch somebody, it’s a crime. You can’t do that anymore so it’s protection for both ways,†dagdag ni Perkins.
Sa Dallas Mavericks unang naglaro si Perkins mula 1984 hanggang 19Â89 bago lumipat sa Los Angeles Lakers (1990-92), Seattle SuperSonics (1992-1997) at sa Indiana Pacers (1998-2000) na kung saan niya tinapos ang kanyang career.
Wala siyang pinanghinayangan sa mahabang taon sa NBA at ang itinutuÂring na pinakamemorable niya sa liga ay nang napaÂsama sa Finals sa Lakers (1991), Seattle (1995) at sa Pacers (1999).
“Those three moments were very special because it’s rarely done. But once you get there, you got to take advantage of the opportunity. Of course we came in second in all those times but it was a great experience in my 18 years. I can’t complain about anything, I had a great time in every place I went,†ani pa ni Perkins na naglaro ng 1,286 games at naghatid ng averages na 11.9 puntos, 6 rebounds at 1.5 assists.
- Latest