AVC opisyal dadalo sa opening ng PSL
MANILA, Philippines - Sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, darating ang isang opisyal ng Asian Volleyball ConfeÂderation (AVC) para pakinangin ang pagbubukas ng Philippine Superliga (PSL) na kauna-unahang volleyball club league sa bansa.
Si Shanrit Wongprasert na EVP para sa Southeast Asian Zone ng AVC ang magiging bisita sa mga kaganapang magtatapos sa opening ceremony sa Hulyo 7 sa Philsports Arena sa Pasig City.
Ang opisyal na pagluÂlunsad ng liga ay sa Hulyo 4 sa 7th High Street sa Bonifacio Global City habang ang press conference ay sa Hulyo 5 sa clubhouse ng Wack Wack Golf and Country Club.
May anim na koponan na handang magtagisan sa unang edisyon ng PSL at ito ay ang Cignal, Petron, PLDT, Cagayan Valley, PCSO-Bingo Milyonaryo at Philippine Army.
Ang SportsCore na binubuo ng professional events managers at siyang nag-organisa ng 4th Asian Beach Games sa Thailand at sa gaganaping Asian Wushu Championships sa Manila ang tutulong sa organisasyon ng PSL.
Ang liga ay may basbas din ng Philippine Volleyball Federation (PVF) at ang iba pang sumusuporta ay ang PSC, San Juan Arena, Healthway Medical, LGR outfitter, Lenovo, Vibram Five Fingers, PAGCOR at Solar Sports na siyang TV partner.
- Latest