^

PSN Palaro

Corteza hari sa Southern Classic 9-Ball

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napanatili ni Lee Van Cor­teza ang tumbok na nag­bigay sa kanya ng titu­lo sa China Open nang pagharian ang Southern Classic 9-Ball event na gina­wa sa Tunica, Mississippi.

Halagang $10,000.00 ang naibulsa ni Corteza at ang kanyang tinalo sa titulo ay ang kapwa niya Filipino na si Dennis Orcollo.

Twice-to-beat si Orcollo dahil naunang pumasok sa championship matapos talunin si Niels Feijen ng Netherlands habang si Corteza ay kinailangang manalo sa kababayang si Warren Kiamco at Phil Burford para mapalaban sa titulo.

Angking husay sa break ang mabisang sandata ni Corteza para masundan ang panalo sa China Open na nagbigay sa kanya ng pina­kamalaking premyo sa taon na $40,000.00.

Sinikap ni Orcollo na bigyan ng magandang laban si Corteza pero kinapos siya upang lasapin ang parehong 7-9 pagkatalo kay Corteza.

Ang panalo ni Corteza ay nagbigay sa kanya ng $53,950 na kinita sa taon.

Kuminang din sina Fran­cisco Bustamante at Alex Pagulayan dahil si Bus­tamante ang kampeon sa 9-Ball Ring Game at si Pagulayan ang hari sa Bank Pool Division.

 

vuukle comment

ALEX PAGULAYAN

BALL RING GAME

BANK POOL DIVISION

CHINA OPEN

CORTEZA

DENNIS ORCOLLO

LEE VAN COR

NIELS FEIJEN

ORCOLLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with