^

PSN Palaro

Phl Super Liga Invitationals kasado na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ilulunsad sa susunod na buwan ang Philippine Super Liga Invitationals, isang bagong club league na idinesenyo para sa mga volleyball stars na natapos na ang collegiate years.

Ang Philippine Super Liga ay inorganisa ng SportsCore, isang sports event at management group na itinayo ng mga beteranong sports events managers at organizers na siyang nag-organisa ng 2014 Fourth Asian Beach Games sa Phuket, Thailand, katuwang ang Solar Sports, ang panguna­hing sports entertainment provider sa bansa.

Sa nakaraang mga taon ay sumikat ang volleyball mula sa mga matagumpay na programa ng University Athletic Association of the Philippines, National Collegiate Athletic Association at iba pang liga.

Nakita ng SportsCore ang pangangaila­ngan sa club destination para sa mga atletang natapos na ang collegiate playing years.

Ayon kay Ian Laurel, tatayong PSL Invitational Commissioner at Score Vice Pre­sident, na nagkaroon ng malaking pagbulusok sa pagkakaroon ng high-level volleyball competitions sa nakaraang 10 taon.

Ang isang patunay dito ay ang kawalan ng national teams para sa international competitions sa kabila ng malakas na commercial at school-based volleyball leagues.

Bukod sa TV partner na Solar Sports, tumanggap din ang PSL ng mahalagang technical backing at suporta mula sa Philippine Sports Commission, San Juan Arena,  Healthway Medical, LGR outfitter,  Lenovo,  Vibram Five Fingers, Pagcor at Mikasa.

Ang liga ay may basbas ng Philippine Volleyball Federation. Magsisimula ang PSL sa Hulyo 7 sa Philsports Arena.

 

ANG PHILIPPINE SUPER LIGA

FOURTH ASIAN BEACH GAMES

HEALTHWAY MEDICAL

IAN LAUREL

INVITATIONAL COMMISSIONER

NATIONAL COLLEGIATE ATHLETIC ASSOCIATION

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PHILIPPINE SUPER LIGA INVITATIONALS

SOLAR SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with