Archers pursigidong masikwat ang men’s basketball crown
MANILA, Philippines - Kung may isang koponan na tiyak na magpupursigi para manalo sa UAAP men’s basketball, ito ay ang koÂpoÂnan ng La Salle.
Ang Archers ang siyang nagdedepensang overall champion sa liga at walang ibang gaganda sa planong madepensahan ang titulong inagaw sa UST kundi ang maging kampeon sa basketball.
“Unang event ang basketball kaya’t walang mas gaÂganda kundi ang manalo rito para pasimulan ang drive para manatiling over-all champion,†wika ni La Salle board representative Henry Atayde.
Tinapos ng La Salle ang Season 75 bitbit ang naÂnguÂngunang 293 puntos habang ang Tigers, na 14-time defending champion bago natalo, ay nagkaroon lamang ng 277 puntos. Pangatlo naman ang Ateneo sa 205 puntos.
Kampeon ang Archers sa women’s taekwondo, table tennis, chess at volleyball para katampukan ang makasaysayang ipinakita noong 2012.
Tiniyak ni Atayde na gagawin ng La Salle ang lahat ng makakaya para mapanatili ang overall title pero aminado siyang mahihirapan sila dahil sa hamong ibibigay ng ibang katunggali sa panguÂnguna ng UST.
Bukod sa basketball, ang mga first semester games ay ang badminton, taekwondo, swimming, judo at beach volleyball, badminton, habang ang ibang laro na indoor volleyball, table tennis, athletics, baseball, softball, chess, fenÂcing, lawn tennis at football ay matutunghayan sa seÂcond semester.
- Latest