^

PSN Palaro

Arellano vs Baste; Perpetual kontra Eac 3 teams gustong maka-buwenamano

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

4 p.m. Arellano

vs San Sebastian

6 p.m. Perpetual vs EAC

 

MANILA, Philippines - Mag-uunahan sa pagpitas ng kanilang unang panalo ang Perpetual Help, Arellano University at Emilio Aguinaldo College, habang hangad naman ng San Sebastian College na makabangon sa kanilang unang kabiguan.

Magtatagpo ang Altas at ang Generals ngayong alas-6 ng gabi matapos ang salpukan ng Chiefs at Stags sa alas-4 ng hapon sa first round ng 89th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Inaasahang sasamantalahin ng Emilio Aguinaldo ang pagkawala sa Perpetual nina scorer Jett Vidal at George Allen.

Ipaparada ng Altas ang mga bagong mukhang sina dating Adamson cagers Kervin Lucente at Nestor Bantayan, Jr. at Juneric.

“Basta kami one game at a time lang,” sambit ng 73-anyos na si head coach Aric Del Rosario sa kanyang Perpetual.

Muli ring aasahan ni Del Rosario, iginiya ang UST Tigers sa ‘three-peat’ sa UAAP, sina Nigerians Femi Babayemi at Nosa Omorogba bukod pa sa nagbabalik na si Earl Scotty Thompson.

Iginiya ni Del Rosario ng Altas sa kanilang unang semis appearance noong nakaraang NCAA season.

Idinagdag naman ng Generals ni Gerry Esplana sina Fil-Nigerian Sydney Onwubere at Cameroonian Jean Jacques Hiola Manga.

Samantala, nanggulat ang Chiefs ni Koy Banal nang talunin ang ‘three-peat’ champions na San Beda Lions sa group sta­ges ng nakaraang Filoil Flying V Hanes Premier Cup.

Sina John Pinto at Fil-Canadian James Forrester ang babandera para sa Arellano ni Banal laban sa San Sebastian ni Topex Robinson

Nanggaling ang Stags sa isang 69-74 kabiguan sa Letran Knights noong Sabado.

ALTAS

ARELLANO

ARELLANO UNIVERSITY

ARIC DEL ROSARIO

CAMEROONIAN JEAN JACQUES HIOLA MANGA

DEL ROSARIO

EARL SCOTTY THOMPSON

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with