^

PSN Palaro

Gilas dudurugin ang Saudi Arabia

RussellCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaasahang dodominahin ng Gilas Pilipinas II ang Saudi Arabia para sa kanilang unang laro sa 27th FIBA-Asia Men’s Cham­pionships na nakatakda sa Agosto 1-11 at idaraos sa Mall of Asia Arena sa Pasay City at sa Ninoy Aquino Stadium sa Manila.

Ang lahat ng laro ng Na­tionals ay gagawin sa MOA Arena tuwing alas-8:30 ng gabi.

Magtatagpo ang Gilas II at ang Saudi Arabia sa Agosto 1 sa ganap na alas-8:30 ng gabi sa MOA Arena na siyang tampok sa eight-game schedule ng nasabing regional world qualifier.

Ang Saudi Arabia ang lowest-ranked team sa Group A sa unang pagla­hok nila sa FIBA-Asia Championship matapos noong 2005 edition kung saan sila tumapos bilang No. 8.

Sumabak ang Gulf team sa pitong Asian meet at ang kanilang best finish ay No. 3 sa Japan noong 1999.

Pumuwesto sila sa ika-pito sa FIBA-Asia stint noong 1989, pang siyam no­ong 1991, ikaanim no­ong 1993 at 1995 at pang apat noong 1997.

Maghaharap ang China at ang South Korea sa alas-5:45 ng hapon matapos ang laro ng Iran at Malaysia sa alas-11 ng umaga, ang banggaan ng Jordan at Chinese Taipei sa alas-1:15 ng hapon at ang labanan ng Japan at Qatar sa alas-3:30.

Sa huling laro sa alas-10:30 ng gabi ay magta­tapat ang Lebanon at ang Hong Kong.

 Sa Ninoy Aquino Stadium naman magkikita ang Kazakhstan at ang Thailand sa alas-6 ng gabi kasunod ang salpukan ng India at Bahrain sa alas-8:30.

Sa Agosto 2 ay haharapin ng Gilas II ang Jordan kasunod ang Chinese Taipei sa Agosto 3 sa pagtatapos ng first round sa MOA Arena.

AGOSTO

ALAS

ANG SAUDI ARABIA

ASIA CHAMPIONSHIP

ASIA MEN

CHINESE TAIPEI

GILAS PILIPINAS

GROUP A

SAUDI ARABIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with