^

PSN Palaro

Grafil angat na sa Shell Batangas chess

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Winalis ni Franz Robert Grafil ang kanyang limang laro para pamunuan ang boys’ juniors division, habang bumandera naman sina Ruth Aubrey De Guzman at Venice Vicente sa girls’ play sa 21st Shell National Youth Active Chess Championships Southern Luzon leg sa SM Batangas Event Center sa Batangas.

Tinalo ng third seeded na si Grafil ng Dr. Crisologo Ermita HS sina Mharvin Soriano, Paul Fortin, Jasper Forcado, Jerome Villanueva at Christian Cabida para maging solo leader sa nine-round Swiss system tournament sa premier 20-and-under division.

Nagsalo naman sa ikalawang puwesto sina Charles Abuzo, John Ray Batucan at Carlo Caranyagan mula sa magkakatulad nilang 4.5 points, samantalang bumangon si top seed Narquincen Reyes mula sa kanyang unang kabiguan kay Paolo Garcia matapos walisin ang sumunod na apat na laro para pangunahan ang four pointers group.

Ginawa nina Atty. Maria Victoria Antique-Garalza, kumatawan kay Gov. Vilma Santos, at Glecy Clet, ang Batangas City assistant for youth and sports deve­lop­ment, ang ceremonial moves Shell Batangas para buksan ang two-day event.

Nagtala ng panalo sina De Guzman at Vicente, ang Nos. 12 at 14 seeds, , ayon sa pagkakasunod para pamunuan ang girls’ category kasunod sina No. 5 Mariel Batulan at No. 8 Eloisa Sta. Rita na may magkakatulad na 3.5 points.

vuukle comment

BATANGAS CITY

BATANGAS EVENT CENTER

CARLO CARANYAGAN

CHARLES ABUZO

CHRISTIAN CABIDA

DE GUZMAN

DR. CRISOLOGO ERMITA

ELOISA STA

FRANZ ROBERT GRAFIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with