2 teams sa Middle East papalo sa Little League Asia-Pacific Regionals
MANILA, Philippines - Gagawa ng kasaysaÂyan ang Pilipinas sa pagtayo bilang punong-abala sa 2013 Little League Asia-Pacific Regionals na magsisimula sa susunod na Linggo.
Ang Clark Freeport Zone ang siyang venue na gagamitin mula Hunyo 30 at Hulyo 8 at ang mga lalabas na kampeon sa mga dibisyong paglalabanan sa softball at baseball ang mga kakatawan sa rehiyon sa World Series sa Agosto
May mga bagong kaganapan na maitatala sa hosÂting at isa rito ay ang pagsali ng Middle East teams na Saudi Arabia at United Arab Emirates (Dubai).
Nasa 15 bansa ang magÂtatagisan at bukod sa dalawang Middle East teams at host Philippines, ang iba pang kasali ay ang China, Chinese Taipei, CNMI Saipan, Guam, Hong Kong, India, Indonesia, Japan, Korea, New Zealand, Singapore at ThaiÂland.
Ang mga kategoryang paglalabanan sa softball at baseball ay Major League, Junior League, Senior LeaÂgue at Big League habang idinagdag sa unang pagkakataon ang 50/70 sa baseball.
Kasali ang Saudi Arabia at UAE sa Major League baseball habang ang Pilipinas, Indonesia at Guam ay may koponan sa lahat ng siyam na kategoryang paglalabanan.
Ang pagkakaroon ng isang venue para sa kabuuan ng palaro ay mangyayari rin sa unang pagkakataon para mabigyan ang lahat na makapanood at masuportahan ang mga paboritong koponan.
Ang host country ay palaÂban sa lahat ng kaÂtegorya pero ang mata ay tiyak na nakatutok sa Big League softball na kung saan ang Team Manila ang nanalo sa World Series noong nakaraang taon.
Inorganisa ang natuÂrang tournament ng Little League Philippines katuwang ang Clark Development Corporation.
- Latest