^

PSN Palaro

Barriga nakuntento lang sa Tanso: Cantancio umakyat sa finals

Pilipino Star Ngayon

GUIYANG, China--Tinalo ng  27-anyos na si Junel Cantancio si Wang Bo ng China sa lightweight semifinals upang ga­wing tatlo ang pambato ng Pilipinas na nasa finals sa China Open Boxing Tournament dito.

Hindi binigyan ng pagkakataon ni Cantancio si Bo na makadiskarte at ma­kaporma sa kabuuan ng tatlong rounds nang walang tigil niyang inararo ito ng suntok tungo sa 30-27 iisang iskor sa tatlong hurado na sumuri sa laban.

Hindi namang pinalad ang inaasahang papasok sa championship round na London Olympian Mark Anthony Barriga na naging anino lamang ng sarili laban kay Wu Zhonglin ng China.

Wala sa kondisyon si Barriga na napahirapan sa diskarteng ipinakita ni Wu para tanggapin ang 28-29, 27-30, 28-29, unanimous decision na pagkatalo.

Ang boksingerong tubong Panabo, Davao del Norte ay itinakbo pa sa ospital matapos ang laban dahil sa na-dislocate na kaliwang hinlalaki na tinamo matapos pakawalan ang isang uppercut sa ikatlo at huling round.

Nakuntento si Barriga sa bronze medal sa light flyweight  sa pangyayari.

Kung may isang bagay na nakita ang ABAP sa paglahok sa kompetisyong kinatampukan ng 90 bo­xers mula sa walong bansa, ito ay ang kakulangan pa ng tamang diskarte ng mga local pugs sa ipinaiiral na bagong 10-point must scoring system.

Sa Biyernes gagawin ang finals ng lahat ng dibis­yong pinaglalabanan at bukod kay Cantancio, ang mga lady boxers na sina Josie Gabuco at Nesthy Petecio ang mga magta­tangka pang bigyan ng ginto ang Pambansang delegasyon.

Si Gabuco na world champion sa light flyweight division pero lumalaban ngayon sa flyweight ay makakasukatan ang Chinese bet na si Xu Shiqi.

 Si Petecio ay babanggain si Alexis Pritchard ng New Zealand sa finals sa lightweight division.

Mas matangkad ng anim na pulgada si Prit­chard kay Petecio pero tiwala ang Pinay pug sa kanyang kakayahan na hiyain ang katunggali.

vuukle comment

ALEXIS PRITCHARD

BARRIGA

CANTANCIO

CHINA OPEN BOXING TOURNAMENT

JOSIE GABUCO

JUNEL CANTANCIO

LONDON OLYMPIAN MARK ANTHONY BARRIGA

NESTHY PETECIO

NEW ZEALAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with