^

PSN Palaro

Back-2-back sa Heat: Tinalo ang Spurs sa game 7

Pilipino Star Ngayon

MIAMI -- Nagposte si LeBron James ng game-high 37 points at 12 rebounds, habang nagdagdag si Dwyane Wade ng 23 points para igiya ang Miami Heat sa kanilang ikalawang sunod na National Basketball Association title mula sa 95-88 panalo kontra sa San Antonio Spurs sa Game 7 ng NBA Finals.

“To be able to come on to our floor and do it, it’s the ultimate,” sabi ni James sa isang on-court interview.

“I can’t worry about what everybody says about me. I am LeBron James from Akron, Ohio, from the inner city; I’m not even supposed to be here. I’m blessed,” dagdag pa nito.

Nahirang si James, nag­lista ng 12-of-23 fieldgoals shooting kasama ang 5-of-10 sa three-point line, bilang Finals Most Valuable Player.

Ito ang ikatlong NBA crown ng Heat.

Tiniyak ni James, ang four-times league MVP, ang kanilang panalo nang tumipa ng isang jump shot sa huling 27.9 segundo kontra sa Spurs.

“It’s no fun to lose, but we lost to a better team,” wika ni San Antonio head coach Gregg Popovich.

Nagtala naman si Tim Duncan ng 24 points at 12 rebounds para sa Spurs,  nag-ambag si Kawhi Leo­nard ng 19 points.

Nagsalpak ng dalawang tres si Shane Battier para ibigay sa Miami ang 18-16 abante sa pagsasara ng first period.

Kumonekta pa si Battier ng isang tres kasunod ang basket ni Wade para sa isang six-point lead ng Heat sa 7:14 sa fourth quarter bago nakalapit muli ang San Antonio sa 88-90 nang magsalpak si Leonard ng isang three-pointer sa huling dalawang minuto ng laro.

Nagkaroon ng tsansa ang Spurs na makatabla ngunit tumalbog ang dalawang tirada ni Duncan laban kay Battier kasunod ang foul kay Mario Chal­mers.

Matapos imintis ni Chal­mers ang dalawang free throws, tumipa ng isang jump shot si James.

Naagaw niya ang pa­sa ni Manu Ginobili na nag­re­sulta sa kanyang dalawang free throws.

DWYANE WADE

FINALS MOST VALUABLE PLAYER

GREGG POPOVICH

KAWHI LEO

MANU GINOBILI

MARIO CHAL

MIAMI HEAT

NATIONAL BASKETBALL ASSOCIATION

SAN ANTONIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with