Lopez puntirya ang IBO title
MANILA, Philippines - Pipilitin ni Zamboanga Sibugay fighter Silvester Lopez na sundan ang mga yapak ng bagong IBO super flyweight champion na si Edrin Dapudong sa kanyang pagsagupa kay Thabo Sonjica para sa bakanteng IBO super bantamweight crown sa Hulyo 6 sa East London, South Africa.
Ito ang ikalawang pagkakataon na lalaban si LoÂpez para sa isang world boxing title.
Isang unanimous 12-round decision loss kay WBC super flyweight champion Yota Sato ang nalasap ni Lopez noong Hulyo ng 2012 sa Kanezawa, Japan.
Huling natalo si Lopez kay Adrian Young noong Mayo 18 sa Zitacuaro, ng MeÂxico at kumpiyansang mananalo kay Sonjica.
“Silver is training hard,†sabi ni Gabriel ‘Bebot’ Elorde kay Lopez. “His weight is steady at 126 pounds, four over the superbantamweight limit of 122. He won’t find it difficult to make weight so he’s relaxed in the gym, eating healthy and keeping in shape.â€
Sasamahan nina ElorÂde at trainers Archiel Villamor at Tiger Ari si Lopez sa pagbiyahe sa South Africa.
Sa nasabing bansa inangkin ni Dapudong ang IBO super flyweight belt matapos patumbahin si Gideon Buthelezi sa 2:29 sa opening round.
- Latest