^

PSN Palaro

James excited na sa inaasam na korona

Pilipino Star Ngayon

MIAMI--Bago ang pina­kamahalagang laro ng  kanyang NBA career ay binalak ni LeBron James na gugulin ang kanyang oras sa piling ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

Ilan sa kanyang mga high school teammates mula sa Akron, Ohio ay na­rito at maaari rin niyang panoorin kasama ang kanyang dalawang anak ang ilang episode ng “SpongeBob Square Pants”.

Ngunit matapos ang mga ito ay sinabi ni James na nakatutok siya sa Game 7 ng NBA Finals.

“I understand the mo­ment for me,” wika ni James. “I’ve been pretty re­laxed, though. I’ve been pretty relaxed throughout the playoffs. I’m going to be antsy; I’m going to be exci­ted. I’m going to have some butterflies. I’ll be nervous--everything. That’s how I should be.

“The moment is going to be grand. I’m happy to be a part of it,” dagdag pa nito.

Si James ang pinakamalaking dahilan kung bakit nasa posisyon ang Miami Heat na makamit ang kanilang ikalawang sunod na NBA championship at pangatlo sa kabuuan.

Sasagupain ng Heat ang San Antonio Spurs sa Game 7 para sa korona.

Nagtatala si James ng average na 23.3 points sa NBA Finals at umiskor ng 16 points sa fourth quarter ng Game 6 para ibangon ang Heat mula sa isang 10-point deficit upang talunin ang Spurs sa overtime, 103-100.

Ang kanyang 3-pointer sa huling 20.1 segundo sa fourth quarter ang nagpatibay sa Miami kasunod ang tres ni Ray Allen para ipu­wersa ang extension period.

Plano ni James na isuot ang kanyang signature headband na nahulog sa fourth quarter matapos ang kanyang dunk.

“I’ll probably start off with it,” ani James. “If it gets knocked off, then me and him will have a discussion if he will return.”

 

ILAN

JAMES

KANYANG

MIAMI HEAT

NAGTATALA

RAY ALLEN

SAN ANTONIO SPURS

SI JAMES

SQUARE PANTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with