Pinoy pugs isinalba nina Gabuco, Petecio sa China Open
MANILA, Philippines - Binalikat nina lady pugs Josie Gabuco at Nesthy Petecio ang laban ng Pilipinas sa China Open na nagbukas noong Martes sa Guizhou Gymnasium sa Guiyang, China.
Ang world champion sa light flyweight (48-kgs) na si Gabuco ay nakitaan ng bilis sa mga kombinasyon bukod sa liksi sa paggalaw upang manalo sa pamamagitan ng unanimous decision laban kay Zoia Isaeva ng Russia.
Lumalaban ngayon si Gabuco sa flyweight division, sunod niyang haharapin ang silver medalist sa London Olympics at 3-time world champion na si Ren Cancan ng China.
Si Petecio ay umani rin ng unanimous decision laban kay Suvd Erdene Ouyngerel ng Mongolia sa kanyang laban. Sunod niyang haharapin si Liu Chang ng China.
Ang dalawang panaÂlong ito ay pumawi sa kaÂÂbiguan nina Roldan BonÂcales Jr., at 2011 SEA Games gold medalist Dennis Galvan na natalo laban sa mga Chinese boxers.
Ang tubong Misamis Oriental boxer na si Boncales na nasa ikalawang international tournament na sinalihan ay yumuko kay Chang Yong, silver medaÂlist sa 2010 Asian Games, sa unanimous decision.
Sa ganitong desisyon din dumapa si Galvan kay Fu Kaisheng na gumamit ng stick-and-run tactic para iwasan ang mga pamatay na suntok ng Pinoy SEAG veteran.
Bukod kina Gabuco at Petecio, magbubukas ng kampanya si London Olympian Mark Anthony Barriga, Nico Magliquian at Junel Cantancio.
Kalaban ni Magliquian si Naveen Kumar ng India sa bantamweight habang katunggali ni Cantancio si Mauritian Colin John sa lightweight division.
Walong bansa ang kaÂsali at ang host China ay may dalawang koponan. Bukod sa Pilipinas, ang iba pang bisitang bansa sa torneo ay ang Russia, India, Kazakhstan, Mongolia, Mauritius at New Zealand.
- Latest