^

PSN Palaro

Pagsali ng San Miguel sa FIBA Asia Champions Cup nasa limbo pa!

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakabitin pa ang pagsali ng San Miguel Beer sa FIBA Asia Champions Cup  na dapat ay gagawin sa Nobyembre sa  Amman, Jordan.

“Wala pa kaming balita kung maglalaro kami sa Champions Cup dahil wala pa kaming nakukuhang for­mal invitation para rito,” wika ni Beermen team manager Rico Meneses na nakasama ang coach na si Leo Austria at mga players na sina Brian at Justin Williams, Asi Taulava at Chris Banchero sa PSA Forum.

Ang San Miguel Beer ay may karapatang makalaro sa torneo dahil ang kam­peon at pumangalawa sa Asean Basketball League ay binibigyan ng imbitasyon ng FIBA-Asia.

“Kung mabigyan man tayo ng imbitasyon ay naka­depende pa ang pagsali natin sa dalawang bagay. Una ay kung papayag ang management at ang ikalawa, dahil November ito balak gawin, baka wala pang team noon. Kaya wala pa talagang linaw dito,” dagdag ni Meneses.

Isang pagpupulong ng management ng San Miguel Beer at ng buong koponan ang gaganapin anumang araw para alamin ang plano sa ikalimang sea­son ng ABL na inaa­sahang magbubukas sa Enero.

“Sa ngayon ay dapat muna naming namnamin ang panalong ito na tunay na pinaghirapan ng mga players,” wika ni Austria na nakuha ang unang inter­national title sa unang pag-upo bilang head coach ng Beermen.

Makulay ang kampan­ya ng Beermen dahil gumawa sila ng league record na 16-game winning streak bago tinapos ang laban sa 3-0 sweep sa dating kampeon Indonesia Warriors.

“Kung ako lang, gusto kong  i-maintain ang pla­yers sa team para sa next season. Pero alam kong  magpapalakas ang lahat ng teams para ma-dethrone tayo. Kaya bukas pa rin sa ibang talented locals at Fil-Ams ang slot sa team,” ani pa ni Austria.

Si Banchero na nagsabing maglalaro mula sa PBA D-League na isa sa kailangan niyang gawin para makapaglaro sa PBA, ay handa ring bumalik para tulungan ang Beermen na maidepensa ang titulo.

Ganito rin ang sinabi ng mga imports na sina Williams habang si Taulava ay  mas gustong pagtuunan ang isipan sa magarang bakasyon kasama ang kanyang pamilya.

vuukle comment

ANG SAN MIGUEL BEER

ASEAN BASKETBALL LEAGUE

ASI TAULAVA

ASIA CHAMPIONS CUP

BEERMEN

CHAMPIONS CUP

CHRIS BANCHERO

SAN MIGUEL BEER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with