^

PSN Palaro

Tatapusin na! Spurs ‘di na pakakawalan ang pagkakataon

Pilipino Star Ngayon

MAIAMI--Handang pigilan ng nagdedepensang kampeon na Miami Heat ang planong selebrasyon ng San Antonio Spurs sa pagkikita uli ng dalawang koponan sa Game Six ng NBA Finals na gagawin sa American Airlines Arena sa Miami, Florida.

Bumalik ang serye sa homecourt ng number one team sa liga ngunit napag-iiwanan ang Heat ng Spurs, 2-3, sa best-of-seven series.

Nagpiyesta ang Spurs nang ginawa ang huling tatlong laro sa kanilang homecourt nang kunin ang Games Three at Five para mangailangan na lamang ng isang panalo upang ku­nin ang ikalimang NBA title.

“We understand Game 6 is huge,” wika ni Tony Parker.  “Obviously, you want to finish in the first opportunity you get. We understand that Miami is going to come out with a lot more energy, and they’re going to  play better at home. They’re going to shoot the ball better, Their crowd is going to be behind them.”

Ang huling dalawang laro ay gagawin sa na­sa­bing venue pero mawawalang-saysay ang Game Seven kung hindi nila maipapanalo ang larong ito.

“I’m sure this team, they’ve been here before many times. They understand winning that last game is one of the hardest thing you’re going to do. And we understand it as well,” pahayag ni Dwayne Wade.

May kumpiyansa naman siyang maitatakas pa ng Heat ang panalo lalo pa’t determinado pa ang kanyang mga kakampi  tulad nina Lebron James, Chris Bosh at beteranong si Ray Allen na panatilihin pang buhay ang paghahabol sa ikalawang sunod na NBA ring.

“It’s the game we’ve got to play it. I like our chan­ces, just like they like their chances, in the series and in Game 6. We’ll see. We’ll see which team, which style is going to prevail,” dagdag ni Wade.

Makakatulong naman ni Parker ang mga may edad at sinasabing paretiro nang sina Tim Duncan at Manu Ginobili na tila bumalik sa kanilang kabataan sa hu­ling laro.

AMERICAN AIRLINES ARENA

CHRIS BOSH

DWAYNE WADE

GAME SEVEN

GAME SIX

GAMES THREE

LEBRON JAMES

MANU GINOBILI

MIAMI HEAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with