^

PSN Palaro

Para angkinin ang korona ng Gerry Weber open: Federer binigo si Youzhny sa finals

Pilipino Star Ngayon

HALLE, Germany -- Ti­nalo ni Roger Federer si Mik­hail Youzhny, 6-7 (5), 6-3, 6-4, para angkinin ang ko­rona ng Gerry Weber Open.

Ito ang kanyang unang titulo matapos noong Agosto ng 2012 sa  Cincinnati.

Winakasan ni Federer ang 10 buwan sa 11 torneo na walang korona.

‘’I’ve won a lot but not so much in the last 10 months, although I feel I’d been pla­ying well,’’ sabi ng 31-anyos na si Federer. ‘’But the others were playing better.’’

Nakamit ni Federer ang kanyang ikaanim na titulo sa Halle mula sa kanyang wa­long finals apperances.

Ang apat sa pitong Wim­bledon trophies ay ki­nuha ng Swiss netter sa Halle.

Ito ang pang 77 career title ng dating top-ranked pla­yer, ngayon ay No. 3.

Tumabla si Federer kay John McEnroe sa ikatlo sa all-time list.

Nasa itaas nila sina Jim­my Connors at Ivan Lendl na may 109 at 94 ca­reer titles, ayon sa pagka­kasunod.

Hangad ni Federer na ma­palawig ang kanyang re­cord na 17 Grand Slam championships sa pagde­depensa niya ng korona sa Wimbledon.

‘’I feel fit; I feel confident. I’m excited about what’s to come,’’ sabi ni Federer. ‘’I’m very pleased with how I played this week.’’

Ang turning point ng ka­nilang laban ni Youzhny ay nangyari sa eighth game sa second set.

Ito ay nang makagawa si Youzhny ng double-fault sa break point.

AGOSTO

FEDERER

GERRY WEBER OPEN

GRAND SLAM

IVAN LENDL

ROGER FEDERER

SHY

YOUZHNY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with