^

PSN Palaro

SEAG Charter dapat baguhin

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan ang mga Filipino sports officials na baguhin ang Southeast Asian Games charter.

Sinabi ni Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia na da­pat ay may permanenteng lis­tahan ng mga sports events na lalaruin sa SEA Games.

Matatandaang inalis ng mga organizers ng Myan­mar ang mga Olympic sports sa darating na 2013 SEA Games kagaya ng gymnastics, tennis at beach volleyball kasabay ng paglilista sa mga traditional at indigenous sports na hindi nilalaro ng ibang mi­yembro ng SEA Games.

 â€œYou cannot just remove Olympic sports,” sabi ni Garcia sa ginawa ng Myanmar.

Ibinilang ng Myanmar ang mga combat sports na vovinam at kempo at chin­lone (cane ball) na may na­kahanay na higit sa 40 gold medals.

Inaasahang dodomina­hin ng mga Myanmar athletes ang nasabing mga events.

Sa 36 gold medals na na­kuha ng Pilipinas noong 2011 sa Indonesia, ang 16 ay hindi lalaruin sa Myanmar.

Bilang protesta, hindi da­daluhan ng government sports agency ang Myanmar SEA Games.

Ito rin ang pahayag ni Phil­ippine Olympic Com­mit­tee president Jose ‘Pe­ping’ Cojuangco.

Isang ‘token delagation’ lamang ang ipapadala ng POC sa Myanmar SEA Games dahil sa nangya­ring dagdag-bawas sa mga events.

Noong 2011 SEA Games ay naglahok ang ban­sa ng 512 atleta na nag-uwi ng kabuuang 36 gold, 56 silver at 77 bronze me­dals.

 

GAMES

MYANMAR

OLYMPIC COM

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RICHIE GARCIA

SHY

SOUTHEAST ASIAN GAMES

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
22 hours ago
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with