^

PSN Palaro

Babangon ang Road Warriors

FREETHROWS - AC Zaldivar - Pilipino Star Ngayon

Shocking!

Hanggang ngayon ay marami ang hindi makapaniwalang natalo ang NLEX Road Warriors sa Blackwater Sports sa best-of-three Finals ng PBA D-League Foundation Cup.

At hindi basta natalo. Ipinalasap ng Elite sa Road Warriors ang pait ng 2-0 sweep.

Kung titingnan ang dalawang laro, aba’y parang kayang-kaya sana ng NLEX ang Blackwater Sports dahil sa malaki ang inilamang nila sa first half. Pero sa magkaparehong laro ay nagbalik ang Elite sa third quarter upang magwagi.

Inamin ni team manager Ronald Dulatre na nasaktan sila sa pagkatalo. Pero tapos na iyon, e. Nabigo na silang makumpleto ang misyong five-peat. May bagong koponang nakoronahan bilang hari sa PBA D-League.

“We will take this loss as an extra motivation going into the next conference,” ani Dulatre.

Pero alam niyang hindi magiging madali ang pagbawi. Kasi, hindi lang namang Blackwater Sports ang gustong humiya sa kanila. Lahat ng koponang kalahok sa PBA D-League ay puspusang naghahanda at  nagpa­palakas.

E, ang NLEX pa’y mawawalan ng mga manlalaro.

Kasi’y nagpaalam na daw sina Gregory Slaughter, Niko Salva, Eric James Camson at Bryan Vilarias na lalahok sa PBA  Amateur Draft na nakatakda sa Nob­yembre 3.

“Hindi naman namin ugali na pumigil sa kagustuhan ng players namin,” ani Dulatre  “Isa naman iyon sa goals ng team, e. Gusto naming tulungan ang mga players na mapaghandaan ang kanilang kinabukasan.”              

Maiiwan pa naman daw ang anim na Gilas Cadet players na sina Garvo Lanete, Kevin Alas, RR Garcia, Matthew Ganuelas, Ronald Pascual at Jake Pascual na itinanghal na Most Valuable Player ng nakaraang Foundation Cup.

At least, iyon ang kanyang understanding sa kasalu­kuyan bagamat baka magbago pa ang isipan ng ilan sa mga ito at umakyat na rin sa pros.

Mananatili sa poder ng NLEX ang Ameikanong si Kirk Long at baka magpatuloy pang maglaro sa kanila si Borgie Hermida depende sa kanyang magiging de- sisyon. Puwede din kasing umakyat ito sa PBA kung may kukuha sa kanya bilang isang free agent.

Sa ngayon ay titingin na daw si Dulatre at ang coaching staff ng NLEX ng mga collegiate standouts na puwedeng idagdag sa koponan. Ayon sa sources, isa sa puwedeng maidagdag sa team ay ang Ateneo Blue Eagles superstar na si Kieffer Ravena.

Nais nina Dulatre na paghandaan na ang susunod  na D-League tournament habang maaga pa. Kasi nga, ang nakaraang Foundation Cup ay na­ging pinakamatin-di nilang hamon.

“We started the tournament at 0-2. But we won our remaining games to top the elims. We did not take Blackwater Sports lightly. We prepared well, but they played superb basketball in their first finals appearance, most especially in the second half of Games 1 and 2. I give credit to them for gambling on their defense by zoning us,” aniya.

Alam naman daw ni Dulatre na darating ang pagkakataong mag­wawakas ang kanilang winning streak.

Tanggap na niya ang nangyari at handa na silang magsimulang muli.

Patutunayan nilang bilang totoong kampeon ay kaya nilang bumangon.

vuukle comment

ATENEO BLUE EAGLES

BLACKWATER SPORTS

D-LEAGUE

DULATRE

FOUNDATION CUP

KASI

PERO

ROAD WARRIORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with