^

PSN Palaro

Depensa susi ng San Miguel sa pagsikwat ng ABL crown

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kung may isang bagay na kakaiba sa San Miguel Beer ngayon, ito ay ang kahusayan ng mga manlala­rong napili na dumepensa.

Ito ang ikalawang su­nod na taon na nasa ASEAN  Basketball League (ABL) Finals ang Beermen at sa pagkakataong ito ay nakuha nila ang kampeonato na noong nakaraang taon ay naipagkait sa kanila ng Indonesia Warriors.

Isang 3-0 sweep ang naiposte ng tropa ng first year head coach Leo Austria at agad niyang tinuran na bagama’t magkasing-talento ang mga manla­laro ngayon kumpara sa nagdaang taong koponan, mas pinagtuunan ng koponan ang pagdepensa kaysa talunin ang kalaban sa opensa.

“We are a talented team down to our last man. But we know defense wins championships,” wika ni Austria matapos talunin ang Warriors noong Miyerkules, 70-55, sa Mahaka Square, Jakarta, Indonesia.

Ang Beermen ang ikalawang Philippine team na naging kampeon sa ABL matapos ang Philippine Patriots na dinomina ang unang edisyon ng liga.

Kung may isang magkatulad sa kampanya ng Beermen at ng Patriots, ito ay ang ginawang paggapi sa iisang koponan, ang Indonesia, at tinapos nila ang serye sa lugar ng kalaban.

Kinatampukan ang mabungang kampanya ng Beermen sa ikaapat na taon sa ABL ng pagtala ng makasaysayang 16-game winning streak.

Naputol man ang streak nang natalo sa Sports Rev Thailand Slammers sa Game One sa semis na ginawa sa Ynares Sports Arena sa Pasig City, nakatulong naman ito para magising ang Beermen at maibalik ang init ng pagla­laro at wakasan ang season bitbit ang 6-0 marka.

 

ANG BEERMEN

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

GAME ONE

INDONESIA WARRIORS

LEO AUSTRIA

MAHAKA SQUARE

PASIG CITY

PHILIPPINE PATRIOTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with