^

PSN Palaro

Guarin nakabalik na sa Pinas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakabalik na ng bansa ang kauna-unahang Filipino global runner na si Cesar Guarin mula sa kanyang matagumpay na Middle East run.

 Bilang pagtupad sa kaniyang mithiin na maging ka­una-unahang Pilipino at Asyano na kumumpleto ng isang global ultramarathon, tumagal ang ME leg na ito ng 30 araw mula April 15 hanggang May 17 na binaybay ang 932 kilometro.

 Anim na bansa ang bumuo sa ika-pitong bahagi ng kaniyang global run kabilang ang Bahrain, Qatar, Kuwait, Saudi Arabia, Oman at UAE.

 Suportado ng GMA International, ang international arm ng nangungunang broadcast company sa bansa na GMA Network, ang beteranong distance runner at ang kaniyang grupong The Global Run simula pa noong kaniyang Australian leg noong 2012, at muli para sa Middle East leg.

 Matinding pagsubok ang hinarap ni Guarin sa Middle East dahil sa sobrang init at mahabang distansiya na kakabit nito. Ani Guarin, ang kaniyang pagtakbo sa mabundok na rehiyon ng Oman ang pinaka-mahirap sa lahat, habang ang sa UAE naman ang pinakamahaba.

 Nakatakdang harapin ni Guarin ang susunod na bahagi ng kaniyang Global Run--ang 2,500 km solo run sa North America, kabilang ang Alaska, Vancouver at ilang siyudad sa West Coast na tatagal mula Oktubre hanggang Disyembre ngayong taon. At nasa likod pa rin ni Guarin ang GMA International sa pagpapatuloy ng kaniyang mithiin na mapabilang sa hanay ng iilan lamang na global runners sa buong mundo.

 

ANI GUARIN

CESAR GUARIN

GLOBAL RUN

GUARIN

KANIYANG

MIDDLE EAST

NORTH AMERICA

OMAN

SAUDI ARABIA

WEST COAST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with