Nadal vs Ferrer sa French Open finals
PARIS--Lumapit sa isang panalo para sa panibagong kasaysayan si Rafael Nadal nang talunin nito ang No. 1 ranked na si Novak Djokovic sa limang mahigpitang sets, 6-4, 3-6, 6-1, 6-7(3), 9-7, sa semifinals ng French Open.
Ito ang ikalimang panalo ni Nadal kay Djokovic at naiangat ang record sa Roland Garros sa 58-1.
Higit dito, ang tagumpay ay nagtulak kay Nadal para mamuro sa makasaysayang ikawalong French Open title.
Kinailangang isantabi ng tubong Spain na si Nadal ang pagkatalo sa fourth set na una niyang dinomina bago bumangon mula sa 3-4 iskor sa ikalimang set para pumasok uli sa Finals.
Kalaban niya ang kaÂbabayang si David Ferrer na pinagpahinga si Jo-Wilfried Tsonga ng France, 6-1, 7-6 (3), 6-2, sa isang pares sa semis.
Ang pagkatalo ni Tsonga ang tumapos sa paghaÂhanap ng host na makakita uli ng men’s champion gaÂling sa kanilang bansa. Ang huling French player na nanalo sa torneo ay si Yannick Noah noon pang 1983.
“I want to enjoy this moment,†wika ni Ferrer.
- Latest