^

PSN Palaro

Elite nakauna

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Martes

(Ynares Sports Arena, Pasig City)

3 p.m. NLEX vs Blackwater

 

MANILA, Philippines - Napanatili ng Blackwater Sports ang magandang inilaro sa ikatlong yugto upang maitakas ang 70-67 panalo sa NLEX Road Warriors sa pagsisimula kahapon ng PBA D-League Foundation Cup Finals sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nanalo ang Elite kahit napag-iwanan ng Road Warrios ng siyam sa halftime, 28-39, para kunin ang mahalagang 1-0 kalamangan sa maigsing best-of-three Finals series.

Aasinta ang tropa ni coach Leo Isaac ng kasaysayan sa kanilang prangkisa sa Martes sa Game Two ng series.

May 17 puntos si Justin Chua habang 16 puntos, 12 rebounds, 5 assists, 2 steals at 1 block si Allan Mangahas.

Pero ang nagbida sa endgame ay sina Kevin Ferrer at Narciso Llagas nang maipasok ng una ang undergoal stab para ibigay na ng tuluyan sa Elite ang kalamangan,  68-67, may 14.4 segundo sa orasan.

Nasayang naman ang time-out ni Road Warriors coach Boyet Fernandez nang ang inbound ni Kirk Long para kay Nico Salva ay naagaw ni Llagas.

Napilitan si Ronald Pascual na bigyan ng foul si Mangahas na nagresulta sa dalawang pasok na free throws tungo sa pinal na iskor.

“Ang susi ay maniwala lang ang mga players na kaya namin talunin ang NLEX,” wika ni Isaac.

Walong puntos, 10 rebounds, 2 steals at blocks at isang assist ang ibinigay ni Llagas habang si Ferrer ay may anim na puntos.

Sina Garvo Lanete, Ronald Pascual at Salva ay mayroong 12, 10 at 10 puntos pero nalimitahan lamang si Greg Slaughter sa 9 puntos mula sa 1-of-8 shooting.

 

vuukle comment

ALLAN MANGAHAS

BLACKWATER SPORTS

BOYET FERNANDEZ

D-LEAGUE FOUNDATION CUP FINALS

GAME TWO

GREG SLAUGHTER

PASIG CITY

ROAD WARRIORS

RONALD PASCUAL

YNARES SPORTS ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with