^

PSN Palaro

James tinik sa Spurs: Game 1 ng NBA finals ngayon

Pilipino Star Ngayon

MIAMI--Bago tangha-ling pinakamagaling na basketball player sa buong mundo ay natalo muna si LeBron James sa San Antonio Spurs.

Winalis ng Spurs ang Cleveland Cavaliers ni James sa 2007 NBA Finals kung saan lumitaw ang ilang kahinaan sa laro ng four-time NBA Most Va­luable Player awardee.

Ngunit ang naturang mga kahinaan ay mahirap nang makita ngayon kay James.

“He’ll be a lot more of a problem than he was in ‘07, that’s for sure,”  wika ni Spurs coach Gregg Popovich kay James.

Sinabi ni Tim Duncan kay James ilang minuto matapos talunin ng Spurs ang Cavaliers sa kanilang championship series na ang liga ay karapat-dapat sa kanya.

Si James ay 22-anyos pa lamang nang tulungan ang Cavaliers na makapasok sa NBA Finals noong 2007 at may mga mintis na jump shot at mahina pang post game na siyang sinamantala ng Spurs sa kanilang serye.

Dala pa rin ni James ang hapdi sa pagkatalo niya sa Spurs anim na taon na ang nakararaan.

“I have something in me that they took in ‘07. Beat us on our home floor, celebrated on our home floor. I won’t forget that. You shouldn’t as a competitor. You should never forget that,” sabi ni James.

Sumama siya sa Heat noong 2010 at natalo sa kanyang ikalawang finals stint sa sumunod na taon bago igiya ang Miami sa 4-1 paggupo sa Oklahoma City Thunder para sa kanyang unang NBA title noong 2012.

“That’s what I’m here for,” ani James. “I’m here to win championships, and you’re not always going to be on the successful side. I’ve seen it twice, not being on the successful side.”

Sinabi naman ni Popovich na ibang James na ang kanilang makakaharap ngayong 2013 NBA Finals kumpara noong 2007.

“Well, LeBron is a different player than he was in ‘07,” ani Popovich.

 

CLEVELAND CAVALIERS

GREGG POPOVICH

JAMES

MOST VA

OKLAHOMA CITY THUNDER

POPOVICH

SAN ANTONIO SPURS

SI JAMES

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with