Volleyball team na lalaro sa Vietnam binalasa
MANILA, Philippines - Binalasa ng Philippine Olympic Committee ang women’s volleyball team na ipadadala sa Vietnam para sa Southeast Asian Zonal qualifier mula Hunyo 14 hanggang 16.
Mula sa coaches at manlalaro ng koponan ay ginalaw ang komposisyon at sina Rubie de Leon, magkapatid na sina Jaja at Dindin Santiago, Analyn Joy Benito at Nica Guliman ang mga natira sa manlaÂlarong binuo matapos ang tryouts sa mga naunang buwan.
Nagpalit ng tao nang matalo ang koponang suÂportado ng Cagayan Bomberinas sa Philippine Air Force sa finals ng PNG.
Napilay ang Bomberinas dahil hindi nakapaglaro ang mga National UniverÂsity players na sina De Leon at ang mga Santiago dahil naghahanda ang mga ito sa Finals ng Shakey’s V-League laban sa Ateneo na kanilang tinalo.
“They have competed in the V-League and this is the best team we can form,†wika ni POC vice president Joey Romasanta.
Si Ateneo coach Roger Gorayeb ang hahawak sa koponan katulong si NU mentor Edjet Mabbayad at pinalitan nila ang dating coaching staff sa panguÂnguna ni Sammy Acaylar.
Ang mga bagong idinagdag para mabuo ang 14-man team ay sina Suzanne Roces, Iari Yongco, Pau Soriano, Maika Ortiz, Alyssa Valdez, Rhea Dimaculangan, Myla Pablo, Jennylyn Reyes at AngeÂlique Dionela.
Nagsanay na ang koÂponan mula kahapon at magtatagal hanggang HunÂyo 12.
Kalaban ng Pilipinas ang host Vietnam, Indonesia at Myanmar at ang mananalo ay aabante sa Asian Zonals.
Nakialam ang POC sa pagbuo ng koponan dahil sa kawalan ng aksyon ng Philippine Volleyball FeÂderation (PVF).
- Latest



















