Belga kasama na sa training camp ng Gilas sa Lithuania
MANILA, Philippines - Kaagad na dumiretso si Beau Belga ng Rain or Shine sa Palanga, Lithuania para sa isang two-week training camp ng Gilas Pilipinas II bilang paghahanda sa darating na 2013 FBA-Asia Men’s Championships.
Natanggap ng 6-foot-5 na si Belga ang kanyang Schengen visa mula sa Austrian Embassy noong Martes upang makasama sa Gilas II sa Lithuania.
“Extra ulam na ngayon,†sabi ni Belga sa kanyang pagsama sa training camp ng Gilas II ni National head caoch Chot Reyes.
Si Belga ang pinakahuÂling player na idinagdag ni Reyes, matapos na hindi umubra si Calvin Abueva ng Alaska, sa kanyang traiÂning pool na kinabibilangan nina 6’11 naturalized cager Marcus Douthit, June Mar Fajardo, Marc Pingris, Jimmy Alapag, Jayson Castro, Gabe Norwood, Jeff Chan, L. A. Tenorio, Ranidel de Ocampo, Larry Fonacier, Gary David at Japeth Aguilar.
Noong nakaraang linggo ay inimbitahan ni Reyes ang dating Philippine Christian University standout sa national pool bilang isang practice player.
Apat na beses siyang nakasama sa team practice ng Gilas II.
Pinaghahandaan ng Nationals ang 2013 FIBA-Asia Men’s Championships na nakatakda sa Agosto 1-11 at lalaruin sa MOA AreÂna sa Pasay City at sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.
Kung mapapasama sa official line up ng Gilas II, inaasahang makakabanÂtayan ni Belga sina 7’2 Hamed Haddadi, 7’1 Wang Zhizhi, 7’0 Yi Jianlian at 7’3 Zhang Zhaoxu ng China at 6’11 Anton Ponomarev ng Kazakhstan.
- Latest


















