Azkals binokya ang Hong Kong
MANILA, Philippines - Naipasok ni James Younghusband ang nataÂtanging goal para ibigay sa Philippine Azkals ang 1-0 panalo sa host Hong Kong sa international friendly noong Martes ng gabi sa Mong Kok Stadium sa Hong Kong.
Kinapitalisa ni Younghusband ang defensive error ni Hong Kong skipper Chan Wai Ho para maipasok ang header at basagin ang kawalan ng iskor sa 33rd minuto.
Ang Azkals goalie na si Neil Etheridge na ang namahala sa depensa sa mga sumunod na tagpo para maipreserba ang kalaÂmangan.
Ito ang unang tagumÂpay ng Pilipinas sa Hong Kong sa siyam na pagkikita. Pero bago ang larong ito ay tumabla ang Azkals sa Hong Kong sa huling pagtutuos noong 2011 sa 3-3 iskor.
“We have a fantastic goalkeeper,†pagpupuri ni Azkals coach Michael Weiss kay Etheridge.
Ang magandang panalo ay nabahiran naman ng pambabastos ng mga local crowd nang batuhin nila at sigawan ng kung anu-ano ang mga Pinoy habang nagdiriwang sa kanilang lugar.
“They were booing our national anthem. They were raising their middle finglers. Cursing the pinoy crown and players. No fairplay,†tweet ni Andi@andinesss.
Ang panalong ito ay magandang senyales sa ginagawang paghahanda ng Azkals para sa 2014 AFC Challenge Cup na gagawin sa Maldives.
- Latest




















