^

PSN Palaro

Li talsik na sa French Open

Pilipino Star Ngayon

PARIS--Umiskor si Be­thanie Mattek-Sands ng malaking 5-7, 6-3, 6-2 upset laban kay 2011 champion Li Na sa binagyong French Open para makasama ang apat pang American wo­men sa third round.

“I know how I can play, and, you know, there were times when I just physically couldn’t do it,’’ sabi ng 67th-ranked na si Mattek-Sands. “And I think that’s really frustrating.’’

Nauna nang naisip ng 28-anyos na netter ang mag­retiro matapos sumailalim sa isang surgery isang linggo makaraan ang kanyang kasal noong 2008.

Nagkaroon din siya ng torn shoulder noong 2011 at isang broken right big toe noong 2012.

Mula sa pagiging No. 30 ay bumulusok siya sa top 200.

Naglaro siya sa mga minor leagues at kinaila­ngan pang dumaan sa qualifying para makalaro sa mga torneo.

Bukod kay Mattek-Sands, ang iba pang Ame­­ricans na pumasok sa third round ay sina No. 17 Sloane Stephens, 54th-ranked Jamie Hampton, No. 1 Serena Williams at No. 29 Varvara Lepchenko.

Tinalo ni Hampton si qualifier Anna Karolina Schmiedlova ng Slovakia 7-5, 6-2, at makakatapat si No. 7 Petra Kvitova, ang 2011 Wimbledon champion.

vuukle comment

ANNA KAROLINA SCHMIEDLOVA

BUKOD

FRENCH OPEN

JAMIE HAMPTON

LI NA

MATTEK-SANDS

PETRA KVITOVA

SERENA WILLIAMS

SLOANE STEPHENS

VARVARA LEPCHENKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with