^

PSN Palaro

Digmaang La Salle, Ateneo sa Filoil sisiklab ngayon

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hahangarin ng La Salle na manatiling angat sa karibal na Ateneo sa  pagtutuos ng dalawang koponan sa Filoil Flying V Hanes Premier Cup ngayon sa San Juan Arena.

Hindi pa natatalo ang Archers sa Eagles sa pre-sea­son tournament na ito  at tiyak gusto ng koponan na maipagpatuloy ang dominasyon sa karibal lalo pa’t maganda ang kanilang ipinakikita sa liga.

Parehong may 6-1 karta ang dalawang koponan ngunit ang La Salle ay nakikitaan ng husay sa pamamagitan ng mga  bagong mukha na sina Robiet Bolick at point guard Kib Montalbo.

Pilay ang Eagles dahil may mga injuries ang mga inaasahan na sina John Paul Erram, Von Pessumal, Gwyne Capacio at Kris Porter kaya’t aasahan nila para sa panalo sina Kiefer Ravena, Juami Tiongson at Nico Elorde.

Ang mananalo sa larong ito na magsisimula dakong alas-4 ng hapon ang mangunguna sa Group B.

Unang laro sa ganap na alas-2 ng hapon ay sa pagitan ng Adamson at San Beda.

Samantala, opisyal na kinuha ng UST ang ikaapat na puwesto sa Group B matapos ang 76-75 panalo sa Emilio Aguinaldo College sa laro kahapon.

May 27 puntos si Jeric Teng para sa Tigers na tinapos ang elimination round bitbit ang 5-3 baraha.

Ito ang ikaanim na pagkatalo sa wa­long laro ng Generals na humugot ng tig-17 puntos kina Igge King at Noube Happi na mayroon ding 19 boards .

Magarang pagtatapos naman ang ginawa ng FEU na sinuwag ang JRU, 73-70, sa isa pang laro.

 

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FILOIL FLYING V HANES PREMIER CUP

GROUP B

GWYNE CAPACIO

IGGE KING

JERIC TENG

JOHN PAUL ERRAM

JUAMI TIONGSON

LA SALLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with