^

PSN Palaro

6 pro-team sa Lithuania sasagupain ng Gilas

RC - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Anim na panguna­hing professional teams sa Lithuania ang siyang makakaharap ng Gilas Pilipinas II sa kanilang pagbiyahe sa nasabing bansa sa Hunyo 2.

Ang mangangasiwa sa nasabing training camp ng Gilas II ay si dating Lithua­nian national team coach Kestutis Kemzura, gumiya sa kanyang bansa sa pagsikwat sa bronze medal sa 2010 FIBA World Championships sa Turkey.

Gagamitin ng Natio­nals ang naturang training camp bilang paghahanda sa 2013 FIBA-Asia Men’s Championships na naka­takda sa Agosto 1-11 sa MOA  Arena sa Pasay City.

Ang naturang torneo ang siyang qualifying meet patungo sa 2014 FIBA World Championships sa Spain.

Nauna nang inis­nab ng Taiwan ang Gilas II sa Jones Cup na naka­takda sa Hulyo dahil sa isyu sa pagkakabaril sa isang Taiwanese fisherman ng Phi­lippine Coast Guard noong Mayo 9.

Ang Nationals ang nagkampeon sa 2012 Jones Cup matapos magbida si LA Tenorio ng Barangay Ginebra sa kanilang pananaig sa United States sa cham­pionship game.

Sa 13 players na binubuo nina Tenorio, natura­lized player Marcus Douthit, Gary David at Japeth Aguilar ng Globalport, Gabe Norwood at Jeff Chan ng Rain or Shine, Ranidel De Ocampo, Larry Fonacier, Jimmy Alapag at Jayson Castro ng Talk ‘N Text, Marc Pingris ng San Mig Coffee, June Mar Fajardo ng Petron Blaze at cadet cager Greg Slaughter, isa lamang ang matatanggal sa kanila sa official line-up ng Gilas II.

Sumama na rin sa ensa­yo ng Gilas II sa San Juan Arena sina Arwind Santos at Denok Miranda ng Petron Blaze at Beau Belga ng Rain or Shine.

 

ANG NATIONALS

ARWIND SANTOS

ASIA MEN

BARANGAY GINEBRA

BEAU BELGA

JONES CUP

PETRON BLAZE

SHY

WORLD CHAMPIONSHIPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
23 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with