^

PSN Palaro

NAMSSA PNG Motocross pakakawalan sa Sabado

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pakakawalan sa Sabado ang motocross event sa 2013 POC-PSC Philippine National Games.

Inorganisa ng NAMSSA, ang karera ay mapapanood sa Speedworld MX Circuit sa SM Bicutan sa Parañaque City at ito ay suportado rin ng Otto Shoes, Repsol, SM Bicutan at Monark CAT.

Ang event ay magsisilbing final tune-up race para sa Philippine Motocross team na lalahok sa 2nd leg ng FIM Asia Motocross Supercross Championship sa Kuala Terengganu, Malaysia mula Hunyo 5 hanggang 9.

“We are happy with the accomplishments of the NAMSSA and Philippine motorcycling sports in international events. In recent years, a number of NAMSSA athletes have placed the Philippines in the world map of motorcycle sports by winning titles in international motorcycling competition,” wika ni PSC chairman Ricardo Garcia.

Pinuri rin ni PSC Commissioner-in-charge Jolly Gomez ang NAMSSA dahil sa patuloy na tagumpay sa pagtuklas ng mga may potensyal para sa asam na tagumpay sa malalaking torneo sa labas ng bansa.

Pinasalamatan naman ni NAMSSA President  Macky Carapiet ang PSC sa kanilang suporta rin sa asosasyon at nangakong gagawin ang lahat para magpatuloy sa pagbibigay ng karangalan sa bansa.

“Our 20-man national motocross contingent is setting its sights on the podium and the gold in the FIM Asia Motocross Championship in Kuala Terengganu next weekend,” banggit ni Carapiet.

Bago ang karera magkakaroon muna ng official practice sessions bukas (Biyernes) na itinakda mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-3 ng hapon upang matiyak kung nasa maayos at handa nang gamitin ang nasabing race track matapos ang isinagawang pag-aayos.

ASIA MOTOCROSS CHAMPIONSHIP

ASIA MOTOCROSS SUPERCROSS CHAMPIONSHIP

BICUTAN

JOLLY GOMEZ

KUALA TERENGGANU

MACKY CARAPIET

OTTO SHOES

PHILIPPINE MOTOCROSS

PHILIPPINE NATIONAL GAMES

RICARDO GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with