^

PSN Palaro

PBA D-League Foundation cup Road Warriors, Elite lumapit sa finals

AT - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

(Blue Eagle Gym, Katipunan, Quezon City)

2 p.m.  Blackwater Sports vs Boracay Rum

4 p.m.  NLEX vs Big Chill

MANILA, Philippines - Ginamitan ng NLEX Road Warriors ng krusyal na 10-0 bomba ang Big Chill sa pagbubukas ng huling yugto para sa 59-66 panalo sa pagsisimula kahapon ng PBA D-League Foundation Cup semifinals sa Blue Eagle Gym sa Katipunan, Quezon City.

Sina Kirk Long, Greg Slaughter at Jake Pascual ang nagtulong-tulong sa run na ito upang ilayo sa 12 (57-45) ang Road Warrios mula sa 47-45 abante sa pagtatapos ng ikatlong yugto.

Dikitan ang tagisan ma­tapos ang unang tatlong yugto dahil nagpalitan ng kalamangan ang dalawang koponan.

Huling tikim ng bentahe ng Superchargers ay sa buslo ni Mark Canlas, 45-43, bago tinapos ng tropa ni coach Boyet Fernandez ang ikatlong yugto sa apat na puntos nina Ronald Pascual at Eric Camson upang  pumasok sa hu­ling 10 minuto ng labanan tangan ang 47-45 kalamangan.

Si Long ay mayroong 14 puntos at 4 assists habang sina RR Garcia at Jake Pascual ay naghatid ng tig-10 puntos at ang huli ay may 13 rebounds pa.

Ang 7-footer na si Slaughter ay may apat na blocks upang isama sa ibinigay na walong puntos, pito ay ginawa sa fourth period.

“Hindi maganda ang panalo dahil maraming missed shots pero masaya pa rin ako at nakuha namin ito,” wika ni Fernandez na mangangailangan na lamang na manalo sa Huwebes para walisin ang best-of-three series at umabante sa ikalimang pagtapak sa Finals.

May 21 si Terrence Romeo at 11 puntos at 15 rebounds ang ibinigay ni Jeckster Apinan para sa tropa ni coach Robert Sison.

Kumawala naman ang Blackwater Sports sa Boracay Rum sa second half para hawakan din ang 1-0 kalamangan sa kanilang serye gamit ang 79-69 panalo sa ikalawang laro.

Isang 16-6 palitan ang ginawa ng Elite sa pagbubukas ng ikatlong yugto para hawakan ang 51-41 kalamangan.

Hindi na binitiwan ng Blackwater ang momentum at ang undergoal shot ni Justin Chua ang nagbigay ng 65-50 kalamngan sa hu­ling 7:45 ng labanan.

vuukle comment

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

BLUE EAGLE GYM

BORACAY RUM

BOYET FERNANDEZ

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

ERIC CAMSON

JAKE PASCUAL

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with