LLP-CDC nagkasundo na
MANILA, Philippines - Nagkasundo na ang Little League Philippines (LLP) at Clark Development Corporation (CDC) para sa pagtutulungan sa hosting ng 2013 Asia-PaciÂfic Middle East Tournament sa Hunyo 30 hanggang Hulyo 8 sa Clark Freeport Zone.
Naglagdaan sina Little League district administrator Jolly Gomez at CDC chairman Art Tugade ng memorandum of agreement kahapon sa PSC Conference room kasama sina assistant district administrator Chito Gonzales at CDC legal counsel Vic Aguirre.
Nasa 2,000 ang bisitang inaasahan at sa plano ay ititira ang mga bisita sa Montevista Villas habang ang aksyon ay gagawin sa 22-hectare field na may 11 diamonds.
Nasa 56 teams mula sa 15 bansa ang kumpirmado ng sasali at ang Pilipinas ay kakatawanin sa nine divisions na Tanauan City (Little League Baseball at Junior League Baseball), ILLAM (Senior League Baseball), Muntinlupa (Big League Baseball), NCR (Intermediate 50/70), Iloilo (Little League Softball at Junior League Softball), Sta. Cruz (Senior League Softball) at ang Big League World Champion Manila.
- Latest