^

PSN Palaro

Bakbakan sa semis sa D-League umpisa na

AT - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Blue Eagle Gym, Katipunan, Quezon City)

2 p.m. Big Chill vs NLEX

4 p.m. Boracay Rum vs Blackwater Sports

 

MANILA, Philippines - Bitbit ang siyam na sunod na panalo, hangad nga­yon ng NLEX Road Warriors na lumapit sa mithiing makapasok pa sa champion­ship round sa pagharap sa Big Chill sa pagbubukas ng PBA D-League Foundation Cup semifinals sa Blue Eagle Gym sa Katipunan, Quezon City.

Sa ganap na alas-2 ng hapon matutunghayan ang nasabing labanan at matapos nito ay ang pagkukrus ng landas ng Blackwater Sports at Boracay Rum dakong alas-4.

Napahinga ng dalawang linggo ang Road Warriors at Elite dahil diretso silang umabante sa best-of-three semis series bunga ng pag­lapag sa unang dalawang puwesto matapos ang eliminasyon.

Ang Superchargers at Waves ay dumaan naman sa quarterfinals at ang bagay na ito ay tiyak na nagpatatag pa sa laro ng kanilang mga alipores.

Tinalo ng tropa ni coach Robert Sison ang bataan ni coach Boyet Fernandez sa pagtutuos sa elims, 81-77, pero ibayong paglalaro na ang ipinakita ng NLEX mula ng nagsimula sa 0-2.

 

vuukle comment

ANG SUPERCHARGERS

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

BLUE EAGLE GYM

BORACAY RUM

BOYET FERNANDEZ

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

QUEZON CITY

ROAD WARRIORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with