NU Netters humirit ng game 3
MANILA, Philippines - Pinigil ng National University ang tangkang pagdagit ng titulo ng Ateneo gamit ang magilas na 26-24, 25-23, 25-22, panalo sa Game Two ng Shakey’s V-League Season 10 First Conference kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Tila nagsilbing inspirasÂyon sa Lady Bulldogs ang libu-libong tao na nanood ng mahalagang larong ito para mailabas ang angking galing at maitabla sa 1-1 ang best-of-three title series sa ligang inorganisa ng Sports Vision at katuwang ng Shakey’s.
Si Myla Pablo ang naÂnguna sa Lady Bulldogs sa kanyang 15 puntos na kinatampukan ng 13 kills, ngunit naroroon ang suporta nina Dindin Santiago, Aiko Urdas, Jaja Santiago at Rubie de Leon para pawiin ang tinamong 15-25, 22-25, 23-25, sa unang tagisan noong nakaraang Huwebes.
Naitabla rin ng UST ang battle-for-third place laban sa Adamson sa pamamagitan ng 24-26, 25-17, 25-20, 25-17, upang magkaroon din ng deciding Game Three ang nasabing tagisan.
Ang do-or-die double header sa ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa ay mangyayari sa Hunyo 2 sa Philsports Arena sa Pasig City.
Sa unang set pa lamang ay determinado ang NU na maipanalo ang laban nang hindi nasiraan ng loob kahit nawala ang 8-3 kalamangan at naunahan pa ng Lady Eagles sa set point, 24-23, sa palo ni Jeng Bualee.
Pero isang kill ni Pablo na nasundan ng errors nina Rachel Ann Daquis at Bualee ang nagbigay ng panalo sa NU sa first set.
Mainit ang Lady Eagles sa second set at hinawakan pa ang 19-13 kalamangan ngunit dalawang kontroÂbersyal na four-touches ang itinawag sa koponan na sumira sa kanilang focus.
Ang ikalawang four-touches ay nasundan ng spikeout ni Alyssa Valdez at block ni Jaja Santiago kay Amy Ahomiro para magtabla sa 22-all ang dalawang koponan.
Huling hirit ng Ateneo ay sa kill ni Valdez pero bumanat ng magkasunod na kill sina Dindin at Jaja bago nag-cross sa net si Bualee tungo sa 25-23 panalo.
- Latest