POC-PSC Philippine National Games: Palatao nagpasiklab, kumampay uli ng ginto
MANILA, Philippines - Inangkin ni Regie PaÂlatao ang kanyang ikalaÂwang gintong medalya matapos ungusan ang kambal na sina Edward at Edgar Galang sa men’s touring 500-m kayak sa 2013 PSC-POC National Games kahapon sa Manila Bay.
Nagsumite si Palatao ng tiyempong 2:44.71 para talunin sina Edward (2:53.14() at Edgar Galang (2:54.29) at sikwatin ang gold medal.
Si Palatao na tubong Madella, Quirino Province ay huminto sa pag-aaral sa kolehiyo dahil sa kahirapan.
Ginitla naman ng 14-anyos na kayaker na si Rosalyn Esguerra si douÂble-gold medal winner Janeth Escallona sa woÂmen’s touring kayak 500-meter event matapos maglista ng bilis na 3:25.93 para angkinin ang gintong medalya.
“Bata pa lang ako talagang nagka-kayak na po ako,†sabi ng grade six student ng San Juan Elementary School na si Esguerra na tubong Palanas, Masbate.
Nabigo si Escallona, nagbida sa 5,000m touÂring kayak at dragon boat tandem events, na makamit ang kanyang ikatlong gold medal nang magtala ng oras na 3:42.11 para sa silver medal kasunod si NoelÂle Wenceslao, isang dating Mount Everest climber, na kinuha ang bronze sa kanyang oras na 3:58.26.
Sa nasabing dalawang event ay tinalo ni Escallona si Esquerra.
Sa tennis event sa Rizal Memorial Tennis Center, tinalo ni AJ Lim si Juan Gabriel Pena, 6-2, 6-1, para makapasok sa quarterfinals kasabay sina Johnny Arcilla, PJ Tierro at Marc Reyes.
- Latest